February 2014 nang marating ko naman ang Patar beach, sa Bolinao, Pangasinan. My friend na isang photographer at nagbablog din ang nagyaya sa aking pumunta dun. He is so in love sa lugar, pang 7th time na ata niyang nakapunta dun pero hindi talaga siya nagsasawa. Well, maganda naman talaga, mahaba-habang byahe lang talaga pero sulit naman. Sa mga mahilig maglagalag na umiiwas sa mga sobrang crowded at developed na beaches, this beach ay fit na fit sa iyo.
 |
| This area is best for snorkeling, ingat lang sa sea urchins |
 |
| Ang layo ko na pala sa dalampasigan |
 |
| Malinaw talaga |
 |
| Part na may corals |
 |
| Enjoying the crystal clear water |
 |
| Pwedeng magvolleyball |
 |
| Pwedeng pumunta ng lighthouse, 15-20 minutes na lakaran |
 |
| At magpose sa paligid nito |
.JPG) |
| Pwedeng kumain, sold for 5 pesos, aphrodisiac food daw, hindi ko tinry hehe |
.JPG) |
| Pwedeng umupo |
.JPG) |
| Pwedeng magpose |
.JPG) |
| Pwedeng humiga |
 |
| ng humiga |
.JPG) |
| Pwedeng lumuhod |
.JPG) |
| Pwedeng magfeeling-feelingan |
 |
| Huwag pong tutularan haha |
******************************************************************************
How to get to Patar Beach from Manila?
From Pasay Fivestar bus (other option victory liner cubao) sakay biyaheng Bolinao, 5-6 hours (Php 500), sa mismong babaan o terminal sa Bolinao, marami ng tricycle ang magsasakay sa iyo, basta sabihin lang na ang byahe mo ay sa Patar Beach (Php250 ang bayad solo man or maximum of 4),after 45 minutes to 1 hour, welcome to Patar Beach na. Hanap-hanap na lang ng murang kubo style lodging, pwedeng makipagtawaran kapag off-season around 800-1,000 pesos per night, kapag peak season naman umaabot ng 3,000 pesos per night.
Tips:
- Kausapin na si Manong traysikel driver, kuhanin ang number at sabihin kung anong araw at oras niya kayo susunduin, medyo mhirap ang traysikel pabalik sa Bolinao proper kaya makipag-usap na agad. Medyo mahina ang signal lalo na ang globe.
- Kung off-season ang punta, makipagtawaran kayo, kung peak season naman, mas magandang magpabook na agad.
- Kung peak season kayo napunta at hindi nakapagpabook pero may dala kayong tent, worry no more, pwede nang magstay sa beach for free, tiis tiis na lang sa gabi
- May mga naglalako ng pandesal, mga nilagang mani, mais, etc, marami ding sari-sari store, hindi rin mahal ang kainan so pwedeng hindi na magbaon ng food. Pwede na ring hindi magbaon ng tubig, may nabibilhin doon ng 5 gallons ng mineral water for 50 pesos.
Mga Pwedeng gawin:
- Masarap maglakad o magjogging sa kahabaan ng beach
- Pwedeng magvolleyball
- Binawal na ang videoke
- Pwedeng magpamasahe (rate starts at 299 for an hour massage)
- Snorkeling or diving
- Ang ganda rin pagmasdan ang sunset
- Pero basically at pinakamasarap gawin talga ay magrelax
The Great Patar Beach Photos:
A big thanks to my good friend Mr. Tugade for these photos and for being my partner on this travel...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento