Martes, Hunyo 10, 2014

Kwebang Lampas

May mga pangyayari sa aking buhay na hindi ko inaasahan at dahil dito may mga pagbabagong nagaganap at isa na dito ang pagkahilig kong magbabad sa dagat hehe. My wet adventures started 2 years ago and now ready na ako ibahagi sa inyo ang ilan sa mga beach na napuntahan ko. Sana magustuhan ninyo hihi.




April 2012 noong una ko 'tong napuntahan at sobra akong namangha sa kanyang ganda.



 April 2012 (Unang bisita)
Naenjoy ko ng sobra dahil iilan lang ang tao, noong huling araw nga namin sa isla, kami na lang ng kaibigan ko ang natira, it's like we own the island hahaha. Tahimik, maputi at pinong buhangin, malinaw na tubig, preskong hangin, hay, I'm really at peace. Maliit lamang ang isla kaya picture-picture sa lahat ng sulok hahaha.

Kakarating, pose agad hehe
  
Magdagdag ng caption
  

Dito nasira ang hindi ko waterproof na camera hahaha



Palakasan ng loob sa loob ng kweba, solo naman haha


January 2013 (2nd visit)

Enjoy pa rin, hindi pa rin matao. Dami rin natipid kasi nagtrekking na lang kami, lapit lang naman at hindi naman mahirap at nakakatakot ang dadaanan.

Mas maganda siguro kung wala ako dito haha

Ang ganda nung ugat
Sarap



Pacute

Sunset



April 2013 (3rd visit)
Medyo hindi ko masyado naenjoy, nagulat ako, ang daming tao. Dami din ang nag-overnight. Medyo maingay pero nagkakasiyahan lang naman kaya okay lang. Ang tent tabi-tabi. Sikat na ang isla.
chillax

Dami na ng tao

babad


*********************************************
How to get to Kwebang Lampas from Manila?

From Buendia (other option Cubao) sumakay ako ng Jac Liner byaheng Lucena Grand terminal then sa terminal may jeep papuntang Pagbilao, sa Pagbilao town proper nandun ang mga jeep papuntang Ibabang Polo, (kausapin nyo na lang si Manong driver na ibaba o ituro sa inyo ang sakayan papunta sa ibabang Polo), medyo maghihintay ng ilang minuto dahil pinupuno muna ang jeep bago umalis, sa Ibabang Polo mismo ang baba ninyo, (kausapin ulit si Manong driver na sa Kwebang Lampas ang punta ninyo or makipagtsikahan sa mga kasabay na bumibyahe, sa mismong babaan ay may traysikel papunta dun sa jump off point to Kwebang Lampas. Then boat para tawirin ang small lake. Then may option to take another boat to take you sa kwebang lampas or do the trekking. 

How much?
Buendia-Lucena Grand Terminal- Php 210 (3-4 hours)
Lucena Grand to Pagbilao- Php 11 (20-30 minutes kasama na waiting time)
Pagbilao to Ibabang Polo-Php 35 (45 minsto 1 hour plus another 30 mins waiting time para magpuno)
Tricycle to Kwebang Lampas' jump off point- Php 200 plus Php 10 (entrance to jump off)- (10 min)
Boat to pass the lake- free (kasama na sa entrance)- (5 min)
Trek to Kwebang Lampas (8-10 minutes) or another boat Php250 (5 min)
Entrance- Php 70, overnight Php 100
Cottage rate- 200

Tips/Options:

  • Kung masipag maglakad pwedeng lakarin ang daan papunta sa jump off point (around 30 mins) rough ang daan kaya mahal ang rate ng tricycle, makakatipid ng 200 pesos.
  • Huwag kalimutang magdala ng drinking water at magdala na rin ng food dahil walang kainan doon. Pwede namang magluto at pwede ring magpaluto.  May maliit na tindahan ang caretaker pero medyo may kamahalan.  
  • Ang tubig na pambanlaw ay 50 pesos, isang balde (around 6 gallons) kaya tipid-tipid din sa gamit hihi.
  • Medyo malamok kapag gabi kaya magdala ng insect repellant kung may balak may overnight sa isla.
  • Magbiyahe ng maaga para maagang makarating at para hindi masyadong mainitan kung summer ang gala, ang sunblock siyempre.
  • Ugaliin magtanong para hindi maligaw, mababait ang mga taga-Quezon
  • Walang room doon na pwede rentahan para matulog, open cottage lang kaya magdala na lang ng tent.
  • Wala din electric supply kaya siguraduhing fully charged ang mga gamit, may signal ang sun,globe, smart (medyo mahina lang)

Disclaimer: 
April 2013 pa ang naging huli kong punta sa kwebang lampas kaya pwedeng tumaas ang rate nila pero konti lang naman siguro hehe at sana mag-improve na rin ang facilities.



Ito yung dinadaan ng traysikel papunta sa jump off point


Medyo bako-bako ang daan

Jump off point

End of jump off point.Dito ang baba mula sa small lake, dito ka rin maghintay pabalik hihi


To trek?
Or to ride sa isa pang boat?

Pose pose din 'pag may time

Libre dito maligo, mabato lang hehe




Kwebang Lampas tinatawag din Puting Buhangin










Walang komento:

Mag-post ng isang Komento