May 2014 nang marating ko ang isla ng Cagbalete. Mahaba-habang biyahe pero sulit dahil sa angking ganda ng isla. Talagang nakakatanggal ng pagod pagkatapak pa lang ng paa mo sa isla.
Makakapunta na dapat ako noong May 2013 pero nagkaroon ng aberya at tanging sa port lang kung saan naroon ang mga pampasaherong bangka ang narating ko. Off ko naman sana noon sa trabaho pero habang naghihintay kami ng byahe ay may tumawag na katrabaho sa project at may problemang gustong ipaproblema sa akin kahit hindi naman dapat hahaha at dahil nabadtrip na rin, i decided na hindi na muna tumuloy pero sabi ko, babalik ako at mapupuntahan kita.
 |
| Nakaupo ako sa waiting shed, hintay ng passenger boat |
 |
| Ang liliit ng nahuli ni Manong |
At makalipas nga ang isang taon, May 2014... Welcome to Cagbalete Island
.JPG) |
| Almost 1 hour sa boat kaya selfie muna |
.JPG) |
| Lakad lakad muna para makapili ng resort, makikidaan po |
.JPG) |
| Napagod sa mahabang byahe kaya upo muna |
.JPG) |
| Pero mas masarap kung uupo malapit sa dagat |
.JPG) |
| Pinakamasarap ang humiga |
 |
| Dito namin napiling magstay ng aking kaibigan |
Kinabukasan...
.JPG) |
| Pahangin muna |
.JPG) |
| Then, babad na sa dagat |
.JPG) |
| Malinaw ang tubig, pino ang buhangin, wala pang naliligo hehe |
.JPG) |
| Perfect time para umepal |
.JPG) |
| Lakad -lakad sa kahabaan ng isla |
.JPG) |
| Breakfast, napakatamis ng buko @30 pesos |
Low tide bandang tanghali...
.JPG) |
| exploring its beauty during low tide |
.JPG) |
| wow, pare ang inet haha |
.JPG) |
| Babad ulit |
.JPG) |
| Babad pa |
.JPG) |
| Starfish, binalik ko po sa dagat |
.JPG) |
| Babad ulit |
.JPG) |
| Lowtide, ingat sa sea urchins |
.JPG) |
| Ito lang ang visible kapag hindi low tide |
.JPG) |
| Jumpshot |
.JPG) |
| Batuhan, ingats |
.JPG) |
| lakad ulit, papunta pantalan |
 |
| Huwag tularan |
How to get there? Paano akong napunta doon?
From Buendia Pasay sakay Jac papunta Lucena Grand Terminal (may deretso Bus to Mauban pero madalang lang, di ko pa lang natry), then sa Lucena Grand, mini bus na hindi aircon byaheng Mauban, sa mismong bayan ang baba tell nyo na lang ang kundoktor na sa Cagbalete island ang punta nyo, pwedeng lakarin or tricycle papuntang port, then bangka papuntang Cagbalete.
- Manila-Lucena Php 210 (3-4 hours)
- Lucena-Mauban Php 54 (1.5 to 2 hours)
- Port Mauban-Cagbalete island- Php 50 (45 min-1 hour)
extra charges:
- tricycle to port Mauban from Mauban proper kung tinamad maglakad (7 pesos)
- environmental fee 30 pesos
- terminal fee-20 pesos
- guide na sasalubungin ka pagkadaung ng boat to your desired destination, need mo rin kung first time sa isla (hindi ka naman pepresyuhan, bahala ka na kung magkano ibibigay mo, 100 binigay ko kay kuya pero dapat ata 50 lang hahaha), mas cool magpasama sa bata, masyadong magulang 'yung matatanda hahaha
- Sa Joven's resort kami nagstay, hindi ko rin kasi nagustuhan 'yung ibang nadaanan hehe, 50 pesos ang entrance per pax, and 200 per night ang tent namin, ang pinakamura nilang room is around 1500 pero walang bakante that time.
Tips:
- Magbaon na lang ng pagkain, may kamahalan ang food nila and based on my experience, an hour ang hinintay sa inorder. (twice nangyari, lunch at dinner pero wala choice hahaha)
- 2 trips lang ang papunta at pabalik ng isla, (10am,4pm papunta ng isla at 7am,1pm paalis ng isla) kaya ahead of time dapat nandun na sa pantalan para sigurado dahil earlier umaalis minsan kapag puno na ng pasahero
- May generator, pwede makicharge kung nalowbat ka may bayad nga lang hehe
Mga pwedeng gawin:
Cagbalete Island:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento